Home NATIONWIDE P156-M tobats nasamsam, 84 arestado sa isang linggo – PDEA

P156-M tobats nasamsam, 84 arestado sa isang linggo – PDEA

144
0
Larawan mula sa BOC

MANILA, Philippines – Nakakuha ang mga awtoridad ng ilegal na droga na nagkakahalaga ng P156.72 milyon kung saan naaresto ang 84 suspek sa anti-drug operations mula Enero 16 hanggang 23, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nitong Lunes.

Sinabi ni PDEA Director General Isagani Nerez na ang mga operasyon, na umabot sa 71, ang nagbunga ng mga nasabing resulta. Kabilang sa nakumpiskang droga ang 694.93 gramo ng pinaghihinalaang shabu, 8,194 gramo ng cocaine, 493,745 na halaman ng marijuana, 42,186.39 gramo ng pinatuyong marijuana leaves, at 118,630 gramo ng marijuana seedlings.

Ayon sa PDEA, kabilang sa mga naaresto ang 39 drug pushers at 11 drug den owners o maintainers. Kakasuhan ang lahat ng suspek sa ilalim ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, habang isasailalim sa forensic examination at court proceedings ang mga nakumpiskang items.

“We are hitting them from all angles from the remote barangays where these dangerous plants are grown to the urban streets where they are sold,” ani Nerez.

“This is not a sporadic effort but a continuous, calculated effort applied across the entire drug chain.” Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here