Home METRO P1.1-M puslit na sigarilyo, naharang sa Pangasinan

P1.1-M puslit na sigarilyo, naharang sa Pangasinan

214
0
Image Representation Only

PANGASINAN – Naharang ang higit PHP1.1 milyon na halaga ng smuggled na sigarilyo ang mga awtoridad at naaresto ang dalawang drayber sa Dagupan City, Pangasinan, sa isang entrapment operation nitong Sabado, ayon sa Dagupan City Police Office.

Ang mga suspek na nasa edad 36 mula Caloocan City at 35 mula Villasis town ay nahuli sa Barangay Bonuan Binloc. Inamin ng mga suspek na ang mga sigarilyo ay smuggled at ibinebenta nila ito sa mas mababang presyo.

Bago ang pag-aresto, nagpanggap ang mga operatiba na mamimili at inayos ang isang controlled delivery ng dalawang kahon na nagkakahalaga ng P56,000, na humantong sa pagkumpiska ng karagdagang 26 na kahon.

Ang lahat ng nakumpiskang items ay isinailalim sa Bureau of Customs bilang ebidensya para sa kaukulang kaso.

Sinabi ni Ilocos Police Regional Office Director Brig. Gen. Dindo Reyes na ang operasyon ay nagpapakita ng kanilang matibay na paninindigan laban sa smuggling, na tinukoy niyang isang pambansang hamon na nagpapahina sa ekonomiya. Mary Ann Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here