Home METRO Bagong negosyo sa Maynila, lumobo; renewals lampas 45,000 na

Bagong negosyo sa Maynila, lumobo; renewals lampas 45,000 na

203
0

MANILA, Philippines – Ibinida ni Bureau of Permits Director Levi Facundo kay Mayor Isko Moreno Domagoso na umakyat sa 40% ang bagong business permits sa Maynila, kasabay ng matatag na renewal ng permits.

Nabatid na umabot na sa 384 ang mga bagong permit na naiproseso nitong Enero 25, 2026, na doble kumpara sa 176 noong nakaraang taon. Sa renewals naman, umabot na sa 45,261, at 37,484 dito ang nabayaran na, kung saan 82–83% compliance sa simula pa lamang ng renewal season.

Giit ni Facundo, may 15 araw pa ang mga negosyo para makabayad.

Pinalawig din ng lungsod ang deadline ng renewal hanggang Pebrero 13, 2026, nang walang interest, penalty, o surcharge, ayon kay City Treasurer Atty. Paul Vega.

“Mas maraming oras para makapag-renew ang mga negosyo,” sabi ni Vega. Para kay Mayor Isko, patunay ito na may tiwala ang publiko sa City Hall. Jay Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here