MANILA, Philippines – Nahahuli sa international standard ang correctional system ng bansa at dapat i-improve ang rehabilitation sa mga PDLs.
Kaya puntirya ng Bureau of Corrections (BuCor) na makapagtayo ng karagdagang 13 regional prisons, kabilang na rito ang dalawang pasilidad na nakatutok sa inmates na nasentensyahan sa heinous crimes.
Popondohan ito ng aabot sa halos P6 bilyong halaga sa loob ng halos tatlong taon.
Nilinaw ni BuCor Director General Gregorio Pio Catapang na layunin ng dagdag na 15 pasilidad na maging epektibo at makatarungan ang correctional system sa bansa.
“Ngayon ang tamang panahon para sa ‘just and rehabilitative correctional system.’ Para umusbong at lumago, kailangan ng mga tulay na magdudugtong sa proactive measures at mawala ang mga ‘gaps.’”
Naaayon, ani Catapang, ang mga hakbang na ito sa mga Republic Acts na RA 10575 para sa dagdag na pasilidad gaya ng Regional Prison Facilities (RPFs) para mabawasan ang pag-asa sa mega-prisons, at mailapit sa mga komunidad ang mga PDLs.
Gayundin, itinatakda ng RA 11928 ang pagtatag ng hiwalay na mga pasilidad sa heinous crimes, tig-iisa para sa Luzon, Visayas at Mindanao.
Sinabi pa ng Director General ng BuCor na mayroon nang Super Maximum Facility (SMF) sa Sablayan, Occidental Mindoro, para serbisyuhan ang Luzon area.
“By establishing 13 more regional facilities and two additional facilities for heinous crimes, BuCor can move towards a more equitable and effective correctional system,” sabi ni Catapang. (Dave B. Medina)