Home NATIONWIDE Lisensya ng ‘road rage’ vlogger sinuspinde ng LTO

Lisensya ng ‘road rage’ vlogger sinuspinde ng LTO

196
0

MANILA, Philippines – Dahil sa kawalang-disiplina sa pagmamaneho, ipinatawag ng Land Transportation Office (LTO) ang isang vlogger dahil sa isang road rage incident kung saan nakita siyang humahadlang sa trapiko at paulit-ulit na nabangga ang isa pang sasakyan sa isang video na nag-viral sa social media.

Sinabi ni LTO chief Markus Lacanilao sa isang pahayag nitong Lunes na ang vlogger, na nagpapatakbo ng page na “Aberya Thingz,” ay inisyu-an ng show cause order (SCO) at ipinatawag na humarap sa Intelligence and Investigation Division (IID) noong Huwebes.

Ayon sa LTO, habang nagpapatuloy ang imbestigasyon, ang driver ay nahaharap sa pansamantalang 90-araw na suspensiyon, habang ang sasakyan ay inilagay sa alarma upang maiwasan ang mga transaksyon sa LTO.

Kaugnay nito, inutusan ang vlogger na magsumite ng komento o paliwanag kung bakit hindi siya dapat sampahan ng kasong administratibo ng reckless driving at sa pagiging hindi tamang tao para magpatakbo ng sasakyan.

“Hindi tayo papayag na hayaang maghari ang kawalan ng disiplina at pagiging arogante sa mga kalsada. Ang insidenteng ito ay hindi lamang labag sa mga batas trapiko kundi nagdudulot din ng malaking panganib sa kaligtasan ng lahat ng gumagamit ng kalsada,” sabi ni Lacanilao.

Ipatutupad aniya ng LTO ang batas nang patas ngunit mahigpit, upang ipakita na walang sinuman ang higit sa ligtas at wastong pagmamaneho.

Sa viral video, paulit-ulit na hinarang ng vlogger ang ibang sasakyan para hindi mag-overtake.

Sa paghinto ng traffic light, bumaba ang vlogger sa kanyang sasakyan at paulit-ulit na nabangga ang isa pang sasakyan habang sinisigawan ang driver at mga pasahero. (Santi Celario)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here