Home METRO Bangkay ng lalaki, natagpuang nakasilid sa sako sa Cavite

Bangkay ng lalaki, natagpuang nakasilid sa sako sa Cavite

194
0

MANILA, Philippines – Isang bangkay ng lalaki ang natagpuan na nakasilid sa sako at itinapon sa gilid ng kalsada sa Silang, Cavite, Lunes ng umaga.

Ayon sa report, inilarawan ang bangkay ng lalaki na tinatayang nasa 40–45 anyos ang edad, nakasuot ng kulay maroon na short at walang pang-itaas na damit.

Base sa ulat, bandang alas-7:00 ng umaga nang napansin ng isang napadaang motorista sa lugar ang isang sako na pakiwari nito ay bangkay ng isang tao.

Kaagad na ipinagbigay-alam sa barangay, kung kaya kaagad namang nagresponde ang pulisya.

Sa lumabas na imbestigasyon, isang lalaki ang nakitang laman nito na isinilid sa dalawang piraso ng sako ng animal feeds.

Hindi naman binanggit sa ulat kung may mga sugat ang biktima.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya at pagkakakilanlan sa biktima upang mabatid kung sino ang responsable sa nasabing krimen at kung ano ang motibo sa pagpatay. (MARGIE BAUTISTA)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here