Manila, Philippines — Walang Miss World Philippines ang idinaos noong isang taon.
Pero tuloy na tuloy na ang ika-13 na edisyon nito makaraan ng dalawang taon.
Ayon kay Arnold Vegafria — kilala ring talent manager ng ilang sikat at de kalibreng artista — “The organization did not stage a competition in 2025 as it realigned its schedule to synchronize with the calendar of the global Miss World pageant.”
Ginagawa daw ng MWP na makakuha ng mga bagong mukha.
Inaasahan ni Arnold na mangyayari ito sa pamamagitan ng pagpasok ng mga kandidata mula sa mga probinsya.
“I want to give them a chance to be part of the national stage,” aniya.
Expect daw na may bilang na 30 ang kandidata sa 13th edition.
Aminado si Arnold na nape-pressure siya na pumili ng karapat-dapat mag-uwi ng korona.
Ito ay lalo daw ang muntik nang pagkapanalo ng ating 2024 bet na si Krishna Gravidez sa Miss World during her time.
Target daw talaga ng kakatawan sa bansa ang masungkit ang “blue crown” sa pagkakataong ito.
Ani Arnold: “Nakuha ko na yata lahat ng crown. Nanalo na tayo sa lahat ng kinuha kong franchise.
“Philippines was always on top or winner or kung hindi, first runner-up!”
Taong 2013 nang magwagi bilang Miss World si Megan Young: “It’s about time that we have to have a new Miss World coming from the Philippines!”
Magdilang-anghel ka sana, ALV!
Ronnie Carrasco III