KALINGA, Philippines – Matagumpay na naaresto ng Kalinga Police Provincial Office (KPPO), sa pamamagitan ng pinagsamang operasyon ng Tabuk City Police Station (CPS), 1503rd Maneuver Company, at Regional Mobile Force Battalion 15, ang isang indibidwal na may kinakaharap na warrant of arrest sa Lungsod ng Tabuk, Kalinga noong Enero 27, 2026.
Ang pinagsamang tracker team ay nagsilbi ng Warrant of Arrest laban sa isang 59-anyos na lalaki, residente ng Mapaco, Pinukpuk, Kalinga.
Isinagawa ang pag-aresto sa Purok 1, Barangay Cabaritan, Lungsod ng Tabuk, Kalinga.
Ang naturang warrant ay inilabas noong Enero 23, 2026 ng Regional Trial Court, 2nd Judicial Region, Branch 25, Tabuk City, para sa kasong Rape kaugnay ng Republic Act 7610 (Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act), na may inirekomendang piyansa na nagkakahalaga ng Php 200,000.00.
Pansamantala nasa kustodiya ng pulisya ang akusado para sa kaukulang dukomentasyon at tamang disposisyon bago ipasakamay sa korteng pinagmulan. (REY VELASCO)