Home ENTERTAINMENT Kuya Will, aminadong naging masaya sa piling ni Sugar!

Kuya Will, aminadong naging masaya sa piling ni Sugar!

242
0

Manila, Philippines – Gaya ng alam ng lahat, umamin na din si Willie Revillame sa naging kaugnayan nila ni Sugar Mercado.

Pitong taon din silang magkarelasyon ng dating miyembro ng Sex Bomb Dancers.

Masaya naman daw ang TV host sa loob ng panahong ‘yon, kabilang ang mga anak nito.

“Napamahal sa akin ‘yung mga anak niya kasi hindi ko nakakasama ang mga anak ko,” confession ni Willie.

Sa mga anak daw ni Sugar ibinaling ng TV host ang kanyang atensyon at pagmamahal.

For Willie, maikli ang pitong taon–it could have been extended daw but the relationship was good while it lasted.

“Siguro, hindi kami para sa isa’t isa. Pero aaminin ko, naging masaya ako noong time na ‘yon,” paglilinaw niya.

It was March last year when Sugar made public their relationship.

Pero all along, puro magagandang salita tungkol kay Willie ang laging namumutawi sa bibig ni Sugar. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here