Home METRO 6 pulis-Maynila sibak sa ‘pagnanakaw’

6 pulis-Maynila sibak sa ‘pagnanakaw’

307
0

MANILA, Philippines – Sinibak na ang anim na tauhan ng Malate Police Station 9 sa Maynila kasama ang station commander na nakatalaga sa Station Drug Enforcement Unit kasunod ng umano’y robbery na kinasangkutan ng 6 na pulis-Maynila sa Makati City.

Ang naturang mga pulis ay inaresto ng Makati Police sa pamamagitan ng hotline pursuit operation dahil sa umano’y pagkakasangkot sa holdapan.

Ayon kay MPD spokesperson at PIO chief Major Philippine Ines, ang isinasagawang parallel investigation ay upang malaman ang totoong nangyari.

Sa ulat, nangyari ang panghoholdap umano ng anim na pulis-Maynila sa Arsonbel Street, Barangay San Isidro, Makati City, alas 7:48 ng gabi noong Enero 28.

Ayon sa mga biktima, nakatagpo nila ang dalawang babae sa Malate, Manila, at dinala sila sa Arsonbel upang kunin ang mga gamit ng mga babae.

Pagdating sa lugar, biglang may grupo ng mga armadong lalaki na nagtuturo ng baril, at pinilit ang mga biktima na itaas ang kanilang mga kamay at sapilitang kinuha ang kanilang mga gamit.

Matapos ang insidente, saka umalis ang mga pulis sakay ng kanilang mga motorsiklo.

Wala pang ibang detalye o pahayag na inilabas ang pamunuan ng MPD kaugnay sa pagkakasangkot at pag-aresto sa kanilang mga tauhan.

—Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here