Home NATIONWIDE Pamimigay ayuda, pera sa Antipolo 2nd district, ipinagbabawal sa special poll

Pamimigay ayuda, pera sa Antipolo 2nd district, ipinagbabawal sa special poll

199
0

MANILA, Philippines – Ipinagbawal ng Commission on Elections (Comelec) ang pamamahagi ng cash assistance o ayuda sa ikalawang distrito ng Antipolo bago ang Marso 14, 2026, special elections.

Naglabas ang Comelec ng resolusyon na nagbabawal sa pamamahagi ng ilang programang ayuda, kabilang ang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) at ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), simula Marso 4 hanggang Marso 14, 2026.

Ipinagbabawal din ang disbursement ng DSWD Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) at Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP).

Samantala, exempted sa ban ang tulong medikal at libing para sa mga kwalipikadong benepisyaryo. Sa parehong panahon, ipagbabawal din ng Comelec ang paglabas, disbursement, o paggasta ng pampublikong pondo para sa mga proyektong pabahay, maliban sa mga exempted ng Comelec.

Sa panukalang non-working holiday, sinabi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia na ang poll body en banc ay nagpasa ng resolusyon na nanawagan kay Pangulong Bongbong Marcos Jr. upang ideklara ang non-working holiday sa distrito sa Marso 14.

Bukod dito, humingi rin ng otoridad ang Comelec sa AFP at PNP sa ilalim ng kanilang kontrol at superbisyon bilang deputized agencies ng komisyon.

Nauna nang inanunsyo ng Comelec na ang special election ay isasagawa sa ikalawang congressional district ng Antipolo City kasunod ng pagpanaw ng yumaong si Rep. Roland Acop noong Disyembre 20, 2025.

Pumanaw si Acop sa edad na 78 matapos atakihin sa puso. Una nang sinabi ng kanyang partido, ang National Unity Party (NUP), na ang Comelec ay inaatasan ng batas na magsagawa ng espesyal na halalan upang punan ang kanyang puwesto sa Kamara.

—Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here