Home ENTERTAINMENT Anne, nairita sa basher, nanupalpal!

Anne, nairita sa basher, nanupalpal!

491
0

Manila, Philippines – Kung hindi rin lang sukdulan ang pagkainis ay hindi mapagpatol sa mga basher si Anne Curtis.

Pero sabi nga, may hangganan ang lahat.

Umabot na din kasi sa tipping point ang pasensya ng TV host-actress sa isang atribidang netizen.

Ipinost kasi ni Anne sa X (dating Twitter) ang teaser ng reunion movie nila ni Jericho Rosales, ang The Loved One.

Hirit ng basher whose comment ay deleted na: “Kakairita, English-English ang mga dialogue!”

Kaso, obyus na ikinairita ni Anne ang nasabing reaksyon.

Buwelta niya: “Eh, ‘di huwag ka manood!”

Naloka pero natuwa naman ang mga fans sa kanilang idolo.

“Correct response, mother…tama!”

“Dasurv masampolan ni Anneng…masyadong papansin, eh!”

Oo nga naman, may punto si Anne–na kung ayaw mo, huwag mo!

Hindi naman ipinagpipilitan ang pelikula sa mga manonood–at lalong sa mga ayaw manood who’ll sure miss a chance of a lifetime.

Hmp! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here