MANILA, Philippines — May isang mananaya ang tumama sa ₱32.89 milyong jackpot ng Lotto 6/42 sa draw noong Enero 29.
Samantala, muling nigo naman ang mga mananaya sa SuperLotto 6/49 na mapanalunan ang pangunahing premyo, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Ayon sa PCSO, ang nanalong kumbinasyon sa Lotto 6/42 ay 16-28-08-23-42-20, na nagbigay ng jackpot sa isang mananaya.
Samantala, walang tumama sa SuperLotto 6/49 na may winning numbers na 10-34-07-15-05-31 at tinatayang jackpot na ₱21.83 milyon.
Isinasagawa ang draw ng SuperLotto 6/49 tuwing Martes, Huwebes, at Linggo, habang ginaganap naman ang Lotto 6/42 tuwing Martes, Huwebes, at Sabado. RNT