Home METRO Alamin: Road at lane closures para sa MRT-7 construction

Alamin: Road at lane closures para sa MRT-7 construction

275
0

MANILA, Philippines – — Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong Biyernes ang pansamantalang pagsasara ng ilang kalsada at lane upang mailagay ang steel box girders para sa proyekto ng MRT-7.

Isasara ang North EDSA sa pagitan ng Landmark Trinoma at Unified Grand Central Station mula Pebrero 1 hanggang Mayo 19, tuwing 10 p.m. hanggang 4 a.m., at ang West Avenue/EDSA mula Marso 24 hanggang Abril 29, sa parehong oras.

Magkakaroon din ng lane closures sa EDSA (Cubao–Balintawak) para sa pag-install ng tower supports ng MRT-7. Mula Pebrero 1 hanggang Mayo 8, dalawang lane mula Cubao papuntang Balintawak ang sarado 24/7, habang mula Pebrero 15 hanggang Mayo 18, dalawang lane mula Balintawak papuntang Cubao ay sarado rin ng tuloy-tuloy.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), 83 porsiyento na ang natapos sa MRT-7 at inaasahang magsisimula ng partial operations sa unang kalahati ng 2027. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here