Home NATIONWIDE VP Sara: Impeachment process inabuso ng Kamara

VP Sara: Impeachment process inabuso ng Kamara

210
0

MANILA, Philippines – — Inakusahan ni Vice President Sara Duterte ang ilang miyembro ng House of Representatives ng pag-abuso sa proseso ng impeachment matapos panindigan ng Supreme Court ang desisyon nitong ideklara bilang unconstitutional ang reklamo laban sa kanya.

“Yes, unang pasalamat ko sa Diyos… Pangalawang pasasalamat ko ay sa mga abogado na nagtulong-tulong para kwestyunin yung pag-abuso ng proseso ng impeachment ng House of Representatives,” ani Duterte sa isang panayam sa The Hague noong Huwebes, Enero 29. “At pangatlo, ay yung pasasalamat ko sa lahat ng kababayan na patuloy na naniniwala at nagtitiwala sa akin.”

Ayon sa desisyon ng Korte Suprema, null at void ang hakbang ng House noong Pebrero 2025 na tanggalin siya sa puwesto, na sinasabing nagpapatunay ng kanyang legal team na “closed” na ang usapin.

Aniya rin, hindi niya tinalakay ang impeachment sa kanyang ama, dating Pangulong Rodrigo Duterte, habang nasa detensyon, at mas mainam na tutukan ang mga bagay na may kaugnayan sa kanilang buhay at sa bayan.

Pinayuhan din ni Duterte ang mga tagasuporta na ipagdiwang ang kanyang tagumpay nang responsable.

“Don’t drink and drive. Mga kababayan, mag-celebrate kayo pero celebrate responsibly. Huwag ubusin ang pera sa bisyo at huwag magmaneho nang lasing. At kung maaari ay diyan na lang kayo sa mga bahay ninyo mag-celebrate, or mag-celebrate kayo online. Mas mura yun—internet lang ang kapital ninyo, data lang,” aniya. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here