Home NATIONWIDE Sariling suplay ng pagkain sa Maynila target ni Isko

Sariling suplay ng pagkain sa Maynila target ni Isko

187
0

MANILA, Philippines – SINILIP ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang 23 ektaryang lupain sa Boystown na posibleng gawing makabagong pasilidad sa pagtatanim ng gulay bilang bahagi ng plano ng lungsod na palakasin ang sariling suplay ng pagkain at pababain ang presyo nito sa palengke.

Ayon sa alkalde, itinutulak ang high-density urban gardening sa Maynila matapos makipagpulong sa Department of Agriculture sa pangunguna ni Undersecretary Cheryl Caballero. Pinag-usapan ang teknikal na suporta at mga programang titiyak na tuloy-tuloy ang produksyon ng gulay kahit nasa gitna ng siyudad.

Hindi lang lokal na eksperto ang kinunsulta, dahil nakipag-usap din si Yorme sa isang Israeli group na kilala sa makabagong teknolohiya sa pagsasaka tulad ng vertical farming at water-efficient systems na swak sa masisikip na lugar.

Nauna na ring lumipad sa Singapore ang alkalde upang pag-aralan ang kanilang epektibong urban farming model. Target ngayon ng Maynila na kopyahin ang mga best practices ng ibang bansa para makabuo ng modernong sistemang pang-agrikultura sa lungsod.

Kapag natuloy, inaasahang mas magiging abot-kaya at siguradong may suplay ng sariwang gulay para sa mga ManileƱo. JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here