MANILA, Philippines – Nadaganan ng puno ng acacia ang ilang sasakyan na pababasbasan sana sa Simbahan ng Manaoag, Pangasinan nitong Huwebes, Enero 29.
Ayon sa ulat, nabagsakan ng puno ang isang commuter van at brand new na SUV na matinding napuruhan, habang minor damages naman ang tinamo ng dalawa pang SUV.







