Home OPINION AKBAYAN@28: LABANAN DINASTIYA SA 2028

AKBAYAN@28: LABANAN DINASTIYA SA 2028

268
0

NOONG nakaraang Enero 29, ipinagdiwang ng Akbayan Citizens’ Action Party or Partido Akbayan ang kanilang ika-28 taong anibersaryo ng pagkatatag na ginanap sa IBG-KAL Theater sa UP Diliman, Quezon City.
Gaya nang inaasahan dumating ang mga kilalang lider ng Akbayan gaya ng Founder nito na si Etta Rosales, Chairperson Emeritus Sen. Risa Hontiveros, President Rafaela David at ang mga kinatawan ng kanilang Akbayan Partylist sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na sina Representatives Atty. Chel Diokno, Perci Cendaña at Dadah Ismulah.

Nakiisa rin ang ilan pang kilalang personalidad tulad ni ML Partylist Representative Atty. Leila De Lima na siya ring Chairperson ng Liberal Party of the Philippines na kamakailan lamang ay nagdaos ng ika-80 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng Partido Liberal ng Pilipinas.

Samantala, sa ika-28 taong anibersaryo ng Akbayan ay binago nito ang paninindigan na hamunin ang lumang pulitika at lansagin ang nakabaon ng political dynasties sa ngalan ng tunay na demokrasya, at tungo sa tagumpay na pinapagana ng mamamayan na may pamumuno na tunay na naglilingkod sa sambayanang Pilipino.

“Sa halos tatlong dekada ng ating pag-aAkbayan, lagi nating pinapatunayan na posibleng manalo ang mamamayan. Hindi na dapat Marcos o Duterte ang dapat magwagi. Tutuldukan na natin ang dinastiya at ipanalo ang taumbayan sa 2028!” ito ang mariing mensahe ng presidente ng Akbayan.

Binigyang-diin pa ni David na para talunin ang mga dinastiya, kailangan ng mga Pilipino ang isang mas mahusay at bagong anyo ng “people power” upang palitan ang lumang sistema ng pulitika.

“The people must be ready to replace dynastic power with a renewed people power—one that does not merely reshuffle names in office, but fundamentally transforms how politics is done. Kailangan natin ng bagong people power na hindi lang sa kalsada, pero nasa pulis, nasa mga korte, nasa local government halls, nasa Kongreso, hanggang sa Malakanyang. Isang bagong people power na handa mamuno para at kasama ang taumbayan,” dagdag pa ni David.

Naka-angkla sa temang “Lahat Posible!”, binigyang-diin ng mga lider at kinatawan ng Akbayan na nakabalangkas sa people-powered politics patungo sa 2028 na ang landas ay palabas sa cycle ng impunity at katiwalian. Posibleng labanan ang dinastiya, posibleng manalo ang mamamayan, posibleng guminhawa ang buhay, lahat posible!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here