MANILA, Philippines – Inutusan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang lahat ng tanggapan at lokal na pamahalaan na tanggalin ang pangalan, larawan, logo, initials, slogan, o anumang simbolo ng mga opisyal sa mga proyekto na pinondohan ng gobyerno.
Ayon sa DILG, “Government programs are not personal billboards… funded by taxpayers and must reflect public service, not political credit-grabbing.”
Sinunod nito ang DILG Memorandum Circular No. 2026-006 at binanggit ang 1987 Constitution, RA 6713 (Code of Conduct), COA Circular No. 2014-004, at Section 20 ng RA 12314 (2026 GAA).
Inutusan ang agarang pagtanggal at pagwawasto ng mga hindi sumusunod na materyales, at sinabing responsable ang mga pinuno ng opisina sa pagpapatupad at pag-abot ng direktiba sa kanilang nasasakupan. RNT/MND