MANILA, Philippines – Dalawa pang hindi nakikilang bangkay ang natagpuan ng mga mangingisda sa karagatan ng Baluk-Baluk s Hadji Muhtammad nitong Biyernes ng umaga mula sa lumubog na MV Trisha Kerstin 3.
Dahil dito, ang bilang na ng mga bangkay na narekober ay umakyat na sa 31.
Ihahatid sila sa Zamboanga City ngayong araw para matukoy ang pagkakakilanlan nito.
Muli namang sumisid ang mga technical divers ng PCG, limang araw mula nang mangyari ang paglubog ang RoRo vessel.
Tumulong rin ang barko ng PCG, ang BRP Melchor Aquino para sa paghahanap ng nawawala pang mga pasahero. Ito ay kumpleto ng mga kagamitan para sa SAR operations tulad ng hyperbaric chamber.
Ang Hyperbaric chamber ay makakatulong agad sa mga divers upang maka-recover sa epekto ng pagsisid sa malalim na dagat.
Ayon kay Commodore Cheska Jamorol, Miyerkules nang unang sumisid ang mga divers at muling sumisid kahapon sa lalim ng hanggang 164 feet, at tanaw na umano nila ang served pero hindi pa rin makita ang kinaroroonan ng barko.
Muli namang ibinaba ang remote operated vehicle hanggang 30 meters ang lalim kung saan umaasa ang PCG na mahahanap ang iba pang pasahero at crew na pinaniniwalaang na-trap sa lumubog na barko. Jocelyn Tabangcura-Domenden