Home HOME BANNER STORY ICI nakatuon sa 79 proyekto ng top 15 contractors

ICI nakatuon sa 79 proyekto ng top 15 contractors

213
0

MANILA, Philippines – Ang 421 na unang nabilang na “ghost” flood control projects ay binawasan sa 416 matapos matukoy ang ilang “double entries,” ayon kay ICI special adviser Rodolfo Azurin Jr.

Aniya, mula sa 416 projects, nakatuon ang komisyon sa 79 projects na konektado sa top 15 contractors na binanggit ni Pangulong Marcos.

Kabilang sa mga ito ang Legacy Construction, Alpha & Omega Gen. Contractor, St. Timothy Construction, QM Builders, at iba pa.

Sinabi rin ni Azurin na ini-validate ng DPWH ang natitirang 337 “ghost” projects sa ibang bahagi ng bansa.

Kasabay nito, nagpulong ang ICI Project Investigation Task Force kasama ang NBI, CIDG, at DPWH upang i-synchronize ang datos, tukuyin ang pangunahing isyu, at planuhin ang susunod na hakbang sa imbestigasyon. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here