Home NATIONWIDE Rider na engineer patay sa bangga ng van

Rider na engineer patay sa bangga ng van

251
0

MANILA, Philippines – PATAY ang isang 41-anyos na engineer makaraang banggain ng isang Hyundai na van ang minamanehong motorsiklo nang umiwas ito sa kasalubong na sasakyan sa Silang, Cavite Sabado ng madaling araw.

Ayon sa report, nadala pa sa Silang Specialist Medical Center ang biktimang si alyas Mark ng Bgry Biklatan, Gen. Trias City, Cavite subalit idineklarang dead on arival dahil sa tinamong sugat bunga ng aksidente.

Kinilala naman ang driver ng isang kulay puti na HYUNDAI UV na may plakang DBF 9605 at residente ng Brgy Mabuhay, Carmona City, Cavite

Batay sa ulat, bandang alas-12:10 kahapon ng madaling araw nang naganap ang insidente kung saan kapwa binabagtas ng biktima sakay ng kulay puti na Yamaha Aero Max galing Carmona habang ang suspek ay sa opposite direksyon patungong Carmona.

Napag-alaman na pagsapit sa isang Y-junction, tinangka ng drayber ng van na umiwas sa isang paparating na sasakyan kung kaya naokupa nito ang linyang kalsada na binabagtas ng biktima kaya nito na naging resulta ng pagkakabangga hanggang sa tumilapon ang biktima ng ilang metro.

Isinugod sa ospital ang biktima subalit hindi na ito umabot ng buhay habang naaresto naman ang driver ng van. MARGIE BAUTISTA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here