Home OPINION PAG-IBIG FUND, NAGLAAN NG P140B PABAHAY PARA SA BAWAT ISA SA 90K...

PAG-IBIG FUND, NAGLAAN NG P140B PABAHAY PARA SA BAWAT ISA SA 90K PAMILYA

235
0

IBINAHAGI ni Pag-IBIG Fund chief executive officer Marilene Acosta ang mahahalagang tagumpay ng ahensya noong 2025, kasabay ng pasasalamat sa media bilang mahalagang katuwang sa pagbibigay-linaw sa publiko hinggil sa mga programa ng institusyon.

Sa larangan ng pamamahala, muling nakatanggap ang Pag-IBIG Fund ng unmodified audit opinion mula sa Commission on Audit sa ika-13 sunod na taon, isang patunay ng integridad at pananagutan sa pangangasiwa ng pondo ng mga miyembro.

Ibinida niya ang makasaysa­yang Php140 billion housing loan performance noong 2025 na nagbigay ng pagkakataon sa humigit-kumulang 90,000 pamilya na magkaroon ng sariling bahay at lupa.

Ang tagumpay na ito ay ka­­tuwang ang mas pinalawak na Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program (Expanded 4PH). Sa ilalim ng inisyatibong ito, ang mga first-time homebuyers na kabilang sa low-to-moderate in­co­me earners ay maaaring ma­kakuha ng 3 percent subsidized interest rate para sa socialized housing. Dahil dito, ang isang bahay at lupa na nagkakahalaga ng hanggang Php950,000 ay may buwanang hulog na Php4,000 la­mang halagang, abot-kaya pa­ra sa mga ordinaryong mangga­ga­wa. Para naman sa mga nagnanais ng vertical housing, ang condominium unit na hanggang Php2 million ay may hulog na Php8,400 kada buwan.

Nagpakitang-gilas din ang ahensya sa pag-aalok ng mga promotional rates.

Sa unang 10,000 borrowers para sa hou­sing loans na hanggang Php1.8 milyon, naglaan ang Pag-IBIG ng 4.5 percent promotional inte­rest rate.

Ang hakbang na ito ay nagresulta sa bawas na halos Php2,000 sa buwanang amortization kumpara sa mga regular na interes, na malaking tulong sa budget ng bawat pamilya.

Bukod sa pagbili ng bagong bahay, aktibo ring isinusulong ang Short-Term Home Improvement Loan na nagpapahiram ng hanggang Php300,000 para sa rehabilitasyon ng mga lumang ba­hay.

Para sa mga naghaha­nap ng mas murang opsyon, bukas din ang Pag-IBIG Acquired Assets na may diskwentong hanggang 45 porsyento sa pama­magitan ng Group Sale at Online Public Auction.

Sa huli, binigyang-diin ni Acos­ta ang kanilang bagong pakikipagtulungan sa Commission on Higher Education (CHED) para sa rental housing malapit sa mga state universities.

“Ang aming layunin ay hindi lamang magpatayo ng mga pa­der, kundi bumuo ng mga komunidad na may dignidad,” ani Acosta. Sa tulong ng media, umaasa ang Pag-IBIG Fund na mas marami pang Filipino ang makikina­bang sa mga programang ito sa pagpasok ng taong 2026.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here