Home TOP STORIES 5-anyos batang idinetine ng ICE, nakauwi na sa Minnesota

5-anyos batang idinetine ng ICE, nakauwi na sa Minnesota

219
0

WASHINGTON, United States – Nakauwi na sa kanilang tahanan sa Minnesota ang limang taong gulang na si Liam Conejo Ramos at ang kanyang ama matapos ma-detain sa isang detention facility sa Texas, ayon sa isang mambabatas.

Inutusan ng federal judge ang pagpapalaya kina Adrian Conejo Arias at Liam noong Sabado.

Ayon kay US Rep. Joaquin Castro, dinala niya sila mula Texas pabalik Minnesota noong Linggo. “Liam is now home. With his hat and his backpack,” ani Castro.

Viral ang larawan ni Liam noong nakaraang buwan na nakasuot ng asul na bunny hat habang nakatayo sa labas ng bahay kasama ang federal agents.

Isa siya sa apat na estudyanteng na-detain ng immigration officials sa isang suburb ng Minneapolis.

Pumasok ng legal sa US bilang asylum seekers ang batang Ecuadoreano at ang kanyang ama.

Ayon kay US District Judge Fred Biery, mali ang paraan ng gobyerno sa pagpapatupad ng araw-araw na deportation quotas na nakaka-trauma sa mga bata.

Tinukoy niya rin na mali ang paggamit ng administrative warrants ng immigration officials.

Kasabay nito, nanawagan ang mga Democrats at ilang Republican officials ng reporma sa ICE, kabilang ang paggamit ng body cameras, pagtatapos ng roving patrols, at pagbabawal sa paggamit ng face masks. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here