Home HOME BANNER STORY Pekeng eGovPH app, ibinabala!

Pekeng eGovPH app, ibinabala!

174
0
via eGovPH Facebook page

MANILA, Philippines – Nagbabala ang eGovPH laban sa mga scammers na nagpapanggap na tutulong sa pagrehistro o pag-verify sa eGovPH app.

Ayon sa advisory, nakikipag-ugnayan ang mga scammer sa biktima sa pamamagitan ng tawag, email, o chat, at hinihikayat silang i-download ang pekeng app mula sa peke o spoofed website.

Hihingin rin ng scammers na mag-fill out ng forms at kumuha ng live selfies ng biktima.

“Delikado ito! Kapag nasunod mo ang steps nila, puwedeng makompromiso ang account mo at makuha ang laman ng iyong mobile wallets at digital banks. Ingat at huwag magpapadala sa mga nagpapanggap!” ayon sa Facebook post ng eGovPH.

Pinayuhan ang publiko na i-report ang ganitong insidente sa Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) sa toll-free hotline 1326, email [email protected], o sa eReport feature sa lehitimong eGovPH app na makukuha sa Google Play, Apple App Store, at Huawei App Gallery. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here