Home METRO Traysikel drayber utas sa pamamaril sa Maynila

Traysikel drayber utas sa pamamaril sa Maynila

155
0

MANILA, Philippines – Masusing iniimbestigahan ng pulisya ang motibo sa pagpaslang sa isang 35 anyos na tricycle driver matapos pagbabarilin sa Sta. Barbara Street, Ermita, Maynila.

Ayon sa ulat, sinabi ng isang saksi na hinabol ng mga nakamotorsiklong suspek ang biktima habang sakay ng traysikel at ilang beses itong binaril.

Bumagsak ang biktima sa kalsada, habang patuloy na umandar ang kanyang traysikel bago bumangga sa isang traffic island.

Nagtamo ang biktima ng maraming tama ng bala, at natagpuan ang ilang basyo ng bala sa lugar ng insidente.

Hindi naman lubos akalain ng mga kaanak ng biktima na dumating sa pinangyarihan ng insidente na naging target ito ng mga salarin.

Ayon sa pulisya, walang closed-circuit television (CCTV) cameras sa lugar. Patuloy ang imbestigasyon at nagsagawa na ng manhunt ang mga awtoridad para mahanap ang dalawang suspek. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here