Home METRO Tesorero sugatan sa suwag ng SUV

Tesorero sugatan sa suwag ng SUV

155
0

ILOCOS SUR, Philippines – Isinugod sa ospital ang isang barangay treasurer matapos mabangga ng SUV ang minamaneho nitong motorsiklo sa national highway, sa Brgy. Lapting, San Juan, Ilocos Sur kahapon.

Ayon sa pulisya, nagtamo ng severe head injury ang 58-anyos na lalaki na driver ng Honda Click 125 motorcycle na residente ng naturang bayan.

Hindi naman nasaktan sa naturang insidente ang 27-anyos na babaeng driver ng Toyota Fortuner, isang medical practitioner, residente ng Sta. Catalina, Ilocos Sur at ang mga sakay nito.

Nabatid na parehong bumibiyahe papuntang hilagang direskyon ang dalawang sasakyan.

Pagdating sa pinangyarihan ng insidente, biglang  umanong nag-execute ng left turn ang motorsiklo kaya aksidente itong nabangga ng Toyota Fortuner.

Matapos mabangga, umislayd ang motorsiklo hanggang sa bumangga sa side wheel ng naka-park na kurong-kurong.

Ang driver ng motorsiklo ay agad na isinugod ng mga rumespondeng PNP at MDRRMO personnel sa ospital. Rolando S. Gamoso

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here