Home HOME BANNER STORY Dalawang impeachment complaints vs PBBM ‘sufficient in form’ – House panel

Dalawang impeachment complaints vs PBBM ‘sufficient in form’ – House panel

208
0

MANILA, Philippines – Naideklarang may “sufficiency in form” ng House Committee on Justice ang dalawamg impeachment complaints na nakahain laban kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.

Sa unang araw ng deliberasyon ngayong Lunes, Pebrero 2 ay pinagtibay ng mga miyembro ng komite na verified at sufficient in form ang impeachment complaint na inindorso ni Rep. Jernie Jett Nisay ng Pusong Pinoy Partylist at ang reklamong inindorso naman nina Rep. Antonio Tinio (ACT Teachers), Sarah Elago (Gabriela) at Renee Co (Kabataan Partylist).

Umabot sa 46 na mambabatas mula sa komite ang bomoto pabor sa reklamong inihain ni Atty. De Jesus, isa lamang ang nag-abstain at 35 naman sa Maza et al, siyam ang tutol at isa ang nag-abstain.

Kabilang sa nagpahayag ng pagtutol sa pagkakaroon ng sufficiency in form sa ikalawang impeachment ay sina Manila Rep. Benny Abante na nagpaalam na siya ay magwo-walk out, Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez, Davao Rep. Boboy Aquino at Zambales Rep. Jefferson Khonghun.

Unang tinutulan ni Abante ang mga reklamo dahil sa kawalan aniya ng patunay na ang mga complainants ay mga taxpayers kung kaya sinabi niya ito ay insufficient in form. Meliza Maluntag

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here