Home NATIONWIDE Mga mag-aaral may aktibong papel sa pagpapabilis ng reporma sa edukasyon –...

Mga mag-aaral may aktibong papel sa pagpapabilis ng reporma sa edukasyon – Angara

192
0

MANILA, Philippines – BINIGYANG DIIN ni Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara kung paano pabibilisin ng departamento ang reporma para palakasin ang pundasyon ng pag-aaral at gawing makabago ang pagtuturo, kung saan may aktibong papel ang mga mag-aaral sa paghubog sa education policy.

Sa pagsasalita sa International Day of Education celebration sa Gen. Pio del Pilar National High School in Makati City, sinabi ni Angara na ang reform agenda ng DepEd ay mas nakasentro sa pag-aaral, partikular na sa kindergarten at Grade 1, mga pundasyon ng pag-aaral na itinayo at binuo.

Winika ni Angara na ang cornerstone ng inisyatibang ito ay ang nakaplanong universalisasyon ng School-Based Feeding Program, saklaw ang lahat ng public kindergarten at Grade 1 learners para sa buong 180-day school year.

Sinabi nito na ang pagpapalawak ay marka ng kauna-unahan sa Philippine education, suprtado ng budget halos sampung beses na mas malaki kaysa sa mga naunang alokasyon.

“We will have universal feeding for all public schools in the Philippines for kindergarten and Grade 1, all for 180 days for the full school cycle—for the first time in Philippine history,” ayon kay Angara, binigyang diin ang kahandaan na matutuhan na magsisimula sa tamang nutrisyon.

Sinabi pa ng Kalihim na ipinapakita ng international experience ang malakas na education systems prayoridad ang maagang pagkatuto, sinabi na ang kalalabasan ay depende hindi lamang sa classroom instruction kundi sa suporta mula sa pamilya at mga komunidad.

Maliban sa nutrisyon, hinikayat ni Angara ang mga eskuwelahan na ganap na gamitin ang digital at instructional tools na ibinigay ng DepEd upang mas nakakaengganyo ang pag-aaral.

Kabilang dito ang mga plataporma gaya ng Khan Academy Philippines, Canva, Google, at Microsoft.

“We really want to make things more fun, more engaging,” anito, inilarawan ang edukasyon bilang sistema na co-created ng mga guro, mag-aaral at pamilya.

Inulit naman ng education partners ang kahalagahan ng partisipasyon ng mga kabataan sa paghubog ng reporma.

Samantala, sinabi ni Ivan Anthony Henares, secretary general ng UNESCO National Commission of the Philippines, na ang mga kabataan ay hindi lamang mga benepisaryo ng edukasyon kundi aktibong contributors.

“As lifelong learners, volunteers, peer educators, innovators, advocates, and future leaders, youth are not just participants in education. They are its driving force,” ang sinabi ni Henares.

Binigyang diin naman ni UNICEF Philippines Country Representative Kyungsun Kim kung paano ang pakikipag-ugnayan ng mag-aaral ay nagpapabuti sa kaugnay na patakaran.

“Your voice, your creativity, your courage, and your power help shape the future of education in the Philippines, and the future of the country,” ang sinabi ni Kim.

Ang event, may temang “The Power of Youth in Co-Creating Education,”pinagsama-sama ang mga student leaders, youth advisers, mga guro, at DepEd officials mula sa National Capital Region.

Binigyang diin nito kung paano ang ‘learner feedback’ ay naisalin sa konkretong polisiya, mula nutrisyon at maagang pagkakatuto patungong digital innovation sa silid-aralan. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here