Home NATIONWIDE PNP muling nagpaalala: Bomb jokes labag sa batas

PNP muling nagpaalala: Bomb jokes labag sa batas

183
0

MANILA, Philippines – Muling nagpaalala ang Philippine National Police na labag sa batas ang paggawa ng biro tungkol sa bomba.

Ito ay matapos ang pagsasagawa ng bomb-related jokes ng dalawang pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa magkahiwalay na pagkakataon noong nakaraang linggo.

“Airport security is a shared responsibility. Every passenger must be aware that joking about bombs is not only dangerous but also a criminal offense. Think before you joke – it could save lives and prevent serious legal consequences,” pahayag ni PNP chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr.

Noong Enero 26, isang pasahero ng eroplano na patungong Bacolod City ang nagbiro tungkol sa bomba habang kinukuha ang bagahe nito sa overhead bin ng eroplano.

Agad na iniulat ng cabin crew ng eroplano ang insidente sa airport security.

Rumesponde naman ang PNP Aviation Security Group (AVSEGROUP), NAIA Police Station 3, at explosives and ordinance teams at nakumpirmang walang pampasabog sa bagahe ng pasahero.

Nahaharap sa reklamong unjust vexation sa ilalim ng Revised Penal Code at paglabag sa Presidential Decree 1727 o Bomb Joke Law ang pasahero.

Samantala, ilang araw matapos ang insidenteng ito ay isang pasahero rin ang nagbiro tungkol sa bomba habang sumasailalim sa routine baggage inspection.

Sa kabila ng inspeksyon ay wala ring nakitang pampasabog.

Inescortan ang pasahero at inoffload mula sa flight nito.

“Huwag po nating gawing biro ang bomb threats. Even a single statement can disrupt airport operations, cause panic, and put everyone at risk. The PNP will act promptly to ensure the safety of all passengers and personnel,” dagdag ni Nartatez. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here