Home NATIONWIDE 8 sugatan sa araro ng van ni Kapitan

8 sugatan sa araro ng van ni Kapitan

161
0

CEBU CITY- SUGATAN ang walong katao kabilang ang isang menor de edad matapos araruhin ng minamanehong van ng barangay chairman habang sumasayaw sa gilid ng kalsada ang mga una, kamakalawa ng gabi sa Minglanilla.

Nilapatan ng lunas sa ospital ang walong katao matapos magtamo ng mga sugat at pasa sa kanilang katawan.

Nasa kustodiya naman ng Minglanilla Police Station si Poblacion Ward II barangay captain Johnny Floyd “Janjan” Castañares, at nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in multiple physical injuries and damage to property.

Ayon kay Police Lt. Col. Maria Theresa Macatangay, hepe ng Minglanilla Police Station, bandang 11:00 PM noong Pebrero 1, 2026 naganap ang insidente sa Barangay Cadulawan, ng nasabing bayan.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, nagkakasiyahan sumasayaw ang mga biktima habang idinadaos ang kapistahan sa kanilang lugar.

Bigla na lamang sumulpot ang van na minamaneho ng suspek at inararo ang mga biktima.

Sa himpilan ng pulisya, aminado naman ang Kapitan na nakainom siya nang bigla na lamang nagloko ang kanyang preno.

Inako naman ng suspek ang mga gastusin sa pagpapagamot sa mga biktima at danyos sa nasaging dalawang motorsiklo. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here