Home NATIONWIDE Pangilinan, Marcoleta nagtalo sa sukat, hangganan ng WPS

Pangilinan, Marcoleta nagtalo sa sukat, hangganan ng WPS

210
0

MANILA, Philippines – Nagkaroon ng mainit na pagtatalo sina Senator Francis Pangilinan at Senator Rodante Marcoleta sa eksaktong coordinates ng bahagi ng South China Sea (SCS) na sakop ng soberanya ng Pilipinas.

Sa deliberasyon sa Senate Resolution No. 256, sinabi ni Pangilinan na ayon sa datos ng Philippine delegation sa International Arbitral Tribunal (IAT), may karapatan ang Pilipinas sa humigit-kumulang 500,000 square kilometers ng SCS.

Binanggit niya na pinawalang-bisa ng 2016 arbitral ruling ang 9-dash line ng China at itinaguyod ang karapatan ng Pilipinas sa exclusive economic zone (EEZ).

Samantala, iginiit ni Marcoleta na ang West Philippine Sea ay humigit-kumulang 381,000 square kilometers base sa deklarasyon ng National Security Council.

Aniya, hindi malinaw ang eksaktong coordinates at may ilang isla sa Kalayaan Island Group na hindi sakop ng 200-nautical mile EEZ, gaya ng Pag-asa (Thitu Island), Parola (Northeast Cay), Kota (Laoita Island), at Lankiam Cay.

Tinawag ni Pangilinan na walang saysay ang ganitong pagtatalo dahil pabor sa Pilipinas ang arbitral ruling at wala nang kailangang baguhin.

Aniya, “There is nothing to defend. It has been resolved in our favor. What we have to now defend and uphold is the ruling.”

Ipinunto ni Marcoleta na mahalagang matukoy ang coordinates ng WPS upang maayos ang mga alitan sa teritoryo, lalo na sa mga isla na sinasakop din ng China at Vietnam.

Pinaliwanag naman ni Sen. Risa Hontiveros na ang research ng International Hydrographic Organization ay teknikal lamang at hindi legal na pagkilala sa soberanya, kabilang ang 9-dash line ng China.

Pinayuhan ni Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson na isuspend ang deliberasyon dahil maaaring may national security implications ang diskusyon. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here