Home HOME BANNER STORY Higit 60 contractors maaaring ma-blacklist – DPWH

Higit 60 contractors maaaring ma-blacklist – DPWH

207
0

MANILA, Philippines – Inaasahan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na ma-blacklist ang mahigit 60 kontraktor kasabay ng patuloy na proseso ng pagbawi sa mga lisensya sa mga sangkot sa anomalya sa flood control projects.

Ayon sa Presidential Communication Office, hindi ito makakaapekto sa pagpapatuloy ng mga kasalukuyang proyekto ng imprastraktura, dahil marami pang kumpanya ang maayos ang performance.

Tuloy-tuloy umano ang pagsasagawa ng mga imprastraktura sa bansa dahil marami pang mga contractor na maaayos.

Ang hakbang na ito ay magbubukas ng oportunidad para sa mga matapat at may kakayahang kontraktor na mabayaran nang tama at agad.

Noong Lunes, inatasan ng Pangulo ang mga ahensya ng gobyerno na agad bayaran ang mga kontraktor na nakatapos ng mga proyekto sa ilalim ng kanilang kontrata.

Layon nito na buhayin ang industriya ng imprastraktura.

Sa kasalukuyan, may 16 na nagpapatuloy na proseso para sa pag-blacklist ng mga kontraktor na sangkot sa mga anomalya sa imprastraktura, at apat sa kanila ang nabawi na ang kanilang lisensya, ayon sa Philippine Contractors Accreditation Board (PCAB). Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here