Manila, Philippines – Nag-chat kami kay Onemig Bondoc para tanungin siya kung sila na ba talaga ni Aiko Melendez ang mag-on.
Base kasi sa mga photo at video na magkasama sila na pino-post nila sa kanilang social media accounts ay sweet sila.
Kaya iniisip ng mga netizen na may something na ngang namamagitan sa kanila.
Pero sa reply sa amin ng dating aktor, hindi pa raw niya girlfriend ang actress-politician.
Sabi ni Onemig, “Nanliligaw pa ako and getting to know stage pa lang kami. Pero I think, papunta na rin du’n ‘yun. Hoping. Hahaha!”
So base sa sinabi ni Onemig, posibleng sagutin siya ni Aiko, di ba?
Nang kunin naman namin ang reaksyon niya na boto sa kanya ang panganay na anak ni Aiko kay Jomari Yllana na si Andrei, ang sagot niya, ‘Ayos naman. Mababait naman sa akin ang mga anak niya.”
So, na-meet na pala ni Onemig si Andrei at ang isa pang anak ni Aiko na si Marthena. Rommel Placente