Home ENTERTAINMENT Xian Gaza, sinisiraan si Alden, tinawag pang ‘accla’?!

Xian Gaza, sinisiraan si Alden, tinawag pang ‘accla’?!

1
0

Manila, Philippines – Isang gay Marites ang peg ni Christian Albert o Xian Gaza sa kanyang latest TikTok video.

This time, daig pa ni Xian ang totoong showbiz reporter sa kanyang exposè tungkol kay Alden Richards.

Sa content ng ulat, magtatanong ang sinumang viewer kung “for entertainment” nga lang ba ‘yon?

Mahirap kasing paniwalaan ang hatid na scoop ni Xian–tungkol sa mag-asawang negosyanteng mayaman na nagpahiram daw ng high-end condo unit kay Alden noong panahon ng pandemya.

Ang siste–ayaw daw itong isoli ng aktor na hanggang ngayon ay doon pa din nakatira.

This is the same rich couple daw na nahihiraman ni Alden ng mga mamahaling relos, alahas, accessories at iba pa–na pinalalabas nitong pag-aari niya.

Tulad halimbawa ng mahigit sampung luxury watches na naipahiram ng couple kay Alden–to

the tune of millions.

Bale ba, anim daw sa more than 10 wristwatches na ‘yon ay hindi pa sinosoli ng aktor.

At pag kinukuha na’y ikinatwiran daw ni Alden na wala na ang mga relos na ‘yon!

The manner by which Xian addresses Alden ay “accla” — na isa ding pagbubunyag sa kasarian nito.

Halos magtititiling sey pa ni Xian: “Tanungin n’yo kung sino ang kasama ni Alden sa condo unit na ayaw niyang isoli sa mayamang mag-asawa…ang mismong road manager niya!”

Hindi kaya nanganganib masampahan ng cyberlibel case itong si Xian dahil sa vlog na ‘yon?

Hala ka! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here