Home NATIONWIDE Bahagi ng VisMin uulanin sa trough ng TD Basyang

Bahagi ng VisMin uulanin sa trough ng TD Basyang

212
0

MANILA, Philippines – Magdadala ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm ang trough ng Tropical Depression Basyang sa Eastern Visayas, Central Visayas, Northern Mindanao, Caraga, at Davao Region, ngayong Miyerkules, Pebrero 4 ayon sa PAGASA.

Ang Cagayan Valley, Apayao, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, at Aurora naman ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may mga pag-ulan dahil sa Northeast Monsoon o Amihan.

Amihan din ang magdadala ng maulap na kalangitan na may isolated light rains sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon.

Ang nalalabing bahagi ng bansa naman ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorms dahil sa localized thunderstorms. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here