Home HOME BANNER STORY Lokasyon ng pinaglubugan ng MV Trisha Kerstin 3 natukoy na

Lokasyon ng pinaglubugan ng MV Trisha Kerstin 3 natukoy na

186
0

MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) ang posibleng lokasyon ng lumubog na MV Trisha Kerstin 3 sa nagpapatuloy na dive operations sa karagatan malapit sa Baluk-Baluk Island, Basilan kahapon, Pebrero 3, 2026.

Ayon kay PCG Technical Diving Group Supervisor Commander Cheska Jamorol, ang barko ay nasa east-to-west orientation ng Baluk-Baluk Island.

Bukod dito, ang pinagsamang search and rescue (SAR) team na binubuo ng mga ahensya ng gobyerno, lokal na pamahalaan, at mga boluntaryong mangingisda ay nakarekober ng isang bangkay na kasalukuyang inaalam ang pagkakakilanlan at tamang disposisyon.

Sa bagong ulat na ito, umakyat na sa 43 ang bilang ng mga namatay, habang nananatili sa 316 ang bilang ng mga nakaligtas. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here