Home NATIONWIDE Sanggol natagpuang patay sa loob ng bag ng tatay sa CDO

Sanggol natagpuang patay sa loob ng bag ng tatay sa CDO

236
0

MANILA, Philippines – Natagpuang patay ang isang buwang sanggol sa loob ng bag ng mismong ama nito sa Cagayan de Oro City.

Nadiskubre ang sanggol sa loob ng boarding house kung saan umuupa ng kwarto ang ama nito.

Ayon sa pulisya, hiniram ng ama ang sanggol mula sa ina nito sa Misamis Oriental para ipakita umano sa kanyang magulang.

Iniulat ng ina ang insidente sa pulisya nang hindi na nito makontak ang ama ng sanggol.

Agad naman na naaresto ng mga awtoridad ang 20-anyos na ama na umaming pinatay ang sanggol dahil sa takot na malaman ng magulang na may nabuntis siya at mapipilitang pahintuin sa pag-aaral.

Nahaharap sa reklamong parricide ang ama ng sanggol. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here