Home NATIONWIDE Konstruksyon ng mga ‘di pa tapos na paaralan sa Cavite inaasahang makukumpleto...

Konstruksyon ng mga ‘di pa tapos na paaralan sa Cavite inaasahang makukumpleto ngayong taon

205
0

MANILA, Philippines – Maaari nang makumpleto ngayong taon ang konstruksyon ng mga hindi pa tapos na paaralan sa Bacoor, Cavite kung maibibigay ang kinakailangang pondo na nasa humigit-kumulang P50 milyon, ayon kay Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon nitong Martes, Pebrero 3.

Tinukoy ni Dizon ang dalawang-palapag na gusali ng silid-aralan sa Revilla High School at tatlong-palapag na gusali sa Aniban Central School.

Sinabi ni Dizon na nagsimula ang konstruksyon ng mga silid-aralan noong 2024 sa ilalim ng 2024 General Appropriations Act ngunit natigil noong nakaraang taon.

Ayon kay Dizon, ang pagtatapos ng dalawang-palapag na gusali sa Revilla High School ay mangangailangan ng P30 milyon, habang ang tatlong-palapag na gusali sa Aniban Central School ay mangangailangan ng P20 milyon.

Binanggit din niya ang kakulangan ng mga silid-aralan sa parehong paaralan kung saan kailangang hatiin ang mga mag-aaral sa morning at afternoon shifts.

Ayon kay Bacoor, Cavite Mayor Strike, nakapagsulat na sila sa Department of Education tungkol dito ngunit wala silang kontrol kung aling mga proyekto ang agad na popondohan ng ahensya kaya inabot ng ilang buwan bago naireport ang hindi pa tapos na mga gusali.

Samantala, nang tanungin kung bakit inabot ng ilang buwan bago naireport ang hindi pa tapos na mga gusali, sinabi ni Bacoor, Cavite Mayor Strike Cavite na nakapagsulat na sila sa Department of Education tungkol dito ngunit wala silang kontrol kung aling mga proyekto ang agad na popondohan ng ahensya.

Sa hiwalay na inspeksyon sa gusali ng silid-aralan sa Aniban Central School, binanggit ni Dizon na ang pagtatapos ng konstruksyon nito ay makikinabang sa humigit-kumulang 300 mag-aaral sa mga espesyal na programa tulad ng Special Needs Education, Madrasah, at Special Science Class. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here