MANILA, Philippines – INANUNSYO na ng Department of Budget and Management (DBM) ang pagpapalabas ng karagdagang P7.372 billion para ganap na i-cover ang natitirang funding requirement para sa Fiscal Year 2025 Service Recognition Incentive (SRI) ng eligible teaching at non-teaching personnel sa buong bansa.
Sa isang kalatas, sinabi ng DBM na ang karagdagang cash allocation “ensures the full and complete payment of the SRI,” tinawag itong long-awaited benefit para sa mga guro at school personnel na patuloy na nagsisilbi sa pambungad na kaalaman at nation-building.
Ang pondo ay ipinalabas sa pamamagitan ng Notice of Cash Allocation (NCA) na inisyu noong Enero 27 at inaprubahan ni Budget Secretary Rolando Toledo.
Sinabi ni Toledo na ang pagpapalabas ng pondo ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para tiyakin na mararamdaman ng mga guro ‘on the ground’ ang suporta ng gobyerno.
Ang paliwanag ng departamento, dahil sa malaking bilang ng personnel na saklaw sa buong bansa at ang substantial immediate cash requirement, inisyal na nagpatupad ang Department of Education (DepEd) ng phased payment ng SRI.
Sa naging pag-apruba ng karagdagang alokasyon, sinabi ng DBM na ang natitirang balanse ay maaari ng ilabas, payagan ang mga eligible beneficiaries na matanggap ng buo ang insentibo.
Sa P7.372 bilyong karagdagang alokasyon, P6.617 bilyon ang inilabas ng DepEd Central Office, habang P754.238 milyon naman ang ilalabas pa lamang direkta sa iba’t ibang regional at division offices at iba pang implementing units upang masiguro ang napapanahon at episyenteng distribusyon.
Tinukoy ng DBM ang Administrative Order (AO) No. 40, tinintahan ni Pangulong Marcos noong December 11, 2025, pinahihintulutan ang pagbibigay ng one-time SRI sa lahat ng kuwalipikadong government employees para sa FY 2025.
Ang insentibo ay hinugot mula sa savings ng ahensiya mula sa personnel services at maintenance at iba pang operating expenses sa ilalim ng 2025 General Appropriations Act.
Sa ilalim ng AO No. 40, “the FY 2025 SRI may be granted at a uniform rate of up to P20,000, including for qualified teachers and non-teaching personnel, as part of the administration’s efforts to uplift the welfare of government workers and recognize their contribution to public service.” Kris Jose