Home METRO 9 sugatan, 8 sasakyan inararo ng bus sa Maynila

9 sugatan, 8 sasakyan inararo ng bus sa Maynila

197
0

MANILA, Philippines – Iniimbestigahan na ng traffic bureau ang sanhi ng mabilis na pag-araro ng isang pampasaherong bus sa ilang mga sasakyan sa Taft Avenue sa Maynila Martes ng gabi.

Sa nasabing insidente, siyam na pasahero ang iniulat na sugatan habang inararo naman ang nasa walong sasakyan.

Kabilang sa mga nadamay sa aksidente ang ilang motorsiklo at sasakyan dahil umano sa mabilis na takbo ng naturang bus.

Agad na nakaresponde ang Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at binigyan ng agarang first aid ang mga sugatang pasahero.

Ayon sa ilang saksi, ang bus ay una munang bumangon sa poste ng LRT bago inararo ang ibang kotse at motorsiklo.

Sa inisyal na imbestigasyon nakaranas ng isyu sa break o preno ang bus.

Kasalukuyan nang nasa kustodiya ng Manila District Traffic Enforcement Unit ng Manila Police District ang bus driver habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Mahaharap sa kasong reckless driving resulting in multiple physical injuries at multiple damage to property ang driver ng bus. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here