Home NATIONWIDE DOJ nakakita ng prima facie evidence laban sa mga Discaya

DOJ nakakita ng prima facie evidence laban sa mga Discaya

199
0

MANILA, Philippines – Nakakita ng prima facie evidence “na may makatwirang katiyakan ng hatol” upang magsampa ng kaso ng tax evasion ang Department of Justice (DOJ) laban sa mga government contractor na sina Sarah at Curlee Discaya.

Sa isang pahayag, sinabi ng DOJ na may basehan upang kasuhan ang mag-asawa dahil sa paglabag sa National Internal Revenue Code (NIRC), partikular ang Section 254 o Willful Attempt to Evade or Defeat Tax, at Section 255 o Willful Failure to Supply Correct and Accurate Information.

Nag-ugat ang mga kaso sa dalawang magkahiwalay na reklamo na isinampa ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa DOJ.

Natuklasan ng mga DOJ prosecutor na nilabag ng mga Discaya ang Section 254 ng NIRC sa pamamagitan ng “pagtatago at/o hindi tamang pagdedeklara ng kanilang tunay at tamang kita para sa taxable years 2020 at 2021,” bilang sole proprietors ng St. Gerrard Construction General Contractor and Development Corporation at Fine Things Fashion Wear House.

Natuklasan din ng DOJ ang prima facie evidence na parehong nilabag nina Curlee Discaya at Sarah Discaya ang Section 255 ng NIRC dahil sa hindi pagbibigay ng tamang impormasyon sa kanilang Income Tax Returns para sa taxable years 2020 at 2021. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here