Home METRO Paghahanap sa natitirang miyembro ng NPA sa Samar, pinaigting ng PH army

Paghahanap sa natitirang miyembro ng NPA sa Samar, pinaigting ng PH army

175
0

SAMAR, Philippines – Pinapalakas ng Philippine Army ang pursuit operations sa natitirang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa San Jorge, Samar, matapos ang nakaraang engkuwentro.

Ayon sa 8th Infantry Division (8ID), layunin ng operasyon na agad mahanap ang mga rebelde at pigilan silang makapagtatag ng bagong posisyon. Ipinatupad na rin ang dagdag na seguridad para sa kaligtasan ng mga residente.

“Clearing operations and information gathering are being conducted in coordination with local authorities as part of efforts to sustain peace and security in the area,” ani 8ID.

Martes, naglunsad ang 3rd Infantry Battalion (3IB) ng paghahanap sa NPA matapos makadinig ng putukan sa upland barangay ng Cagtoto-og. Nagkaroon ng engkuwentro sa limang rebelde na kalaunan ay tumakas, naiwan ang isang baril, ilang pampasabog, at dokumentong subersibo.

Walang nasaktan sa panig ng militar. Matatagpuan ang San Jorge 138 km hilaga ng Tacloban at kilala sa ilang barangay bilang NPA hotspot. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here