MANILA, Philippines – Hinatulang ‘guilty’ ng Manila Regional Trial Court ang tatlong akusado na nagtangkang magpasok sa Pilipinas ng halos isang bilyong piso na halaga ng shabu.
Kabilang sa nahatulan sina Muktasil Asinmuddin, Emanuel Delos Reyes, at George Fernandez matapos matukoy ng Manila RTC Branch 21 ang kanilang partisipasyon sa pag-angkat ng higit-100 kilo ng shabu na nakatago sa saka-sakong tapioca starch.
Ayon sa korte, ang tatlo ay napatunayang may mahalagang papel sa pagpasok sa bansa ng halos 149 kilo ng shabu na itinago sa loob ng mga aluminum pallet na may lamang sako ng tapioca starch.
Bunsod ng maling deklarasyon at panlilinlang sa dokumento, hinatulan ang mga akusado ng habambuhay na pagkakakulong o reclusion perpetua, at pinagmumulta pa ng P50 milyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden