BATAAN, Philippines – Nahulog sa kamay ng mga awtoridad ang dalawang Top Most Wanted Person na kapwa mga suspek sa kasong rape matapos lmatunton at masukol sa ikinasang magkahiwalay na manhunt operation ng pulisya sa iisang lugar sa Barangay Doña, Orani.
Batay sa ulat kay Central Luzon Police Director Brigadier General Ponce Rogelio Peñones Jr.
Unang nadakip ng mga awtoridad ang suspek na Top 5 Most Wanted Person Provincial Level na akusado sa kasong Rape sa naturang lugar.
Habang naaresto sa hiwalay na operasyon sa pareho din lugar ang suspek na Top 8 Most Wanted Person na akusado sa parehong kaso ng panggagahasa.
Nadakip ang mga suspek sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ng Korte.
Nasa kustodiya na ng pulisya ang mga naarestong suspek para sa dokumentasyon at tamang disposisyon. (ROEL TARAYAO)