Home METRO Trak ng LGU, bumulusok sa bangin sa NegOr, 9 utas

Trak ng LGU, bumulusok sa bangin sa NegOr, 9 utas

156
0
via Negros Oriental Police Provincial Office

NEGROS ORIENTAL, Philippines – Siyam ang patay, kabilang ang driver ng isang local government-owned truck matapos mahulog sa bangin sa Barangay Kalamtukan, Bayawan City, Negros Oriental Miyerkules.

Ayon kay Police Capt. Stephen Polinar, ang truck ay nagdadala ng langis at gasolina para sa mga sasakyan ng pamahalaan.

Inaalam pa kung ilan ang sakay ng nasabing trak, ngunit sa ngayon ay kinumpirma ng awtoridad na 9 ang nasawi sa nasabing aksidente.

“The truck came from Barangay Manduao and was traversing the road in Sitio Mansintak, Barangay Kalamtukan, when its brakes malfunctioned, causing it to lose control and fall off the cliff into a river,” ani Polinar.

Dinala ang mga biktima sa Kalumboyan Hospital ngunit idineklarang dead on arrival. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here