MANILA, Philippines – Malinaw na hindi “sufficient in substance” ang impeachment complaint na inihain laban kay Pangulong Bongbong Marcos dahil ang mga reklamo ay pawang hindi impeachable offense, ayon kay House Committee on Justice Vice Chairman Mauricio Domogan.
Ayon kay Domogan bagsak sa “sufficiency in substance” ang reklamo dahil ang mga alegasyon laban sa Pangulo ay pawang walang personal knowledge ang complainant at pawang nakabatay lamang sa haka haka.
“It can be if there is a factual allegation, but it does not link the President because what we are obligated to find out is sufficiency in substance that will link the President and that will justify the prosecution of the President on an impeachable offense,” ani Domogan.
Giit ni Domogan na dapat agad idismiss ang impeachmengt kung hindi naman ito kayang patunayan dahil sa mahina at walang basehan na reklamo.
“It will be prolonging the agony if we will just keep on admitting this and go to the steps if we know from the documents and from the allegations submitted that there is no direct allegations and evidence that can link the President for the commission of legal infraction which is interpreted as impeachable offense under our Constitution,” paglilinaw pa ni Domogan.
Sinabi ni Domogan na hinimay nya isa isa ang reklamo at wala itong nakita na basehan para ituloy ang impeachment, pangunahin na dito ang alegasyon na institutionalized corruption.
“I have reviewed the allegations, paragraphs per paragraph, and it is my humble submission that on ground number one, institutionalizing system corruption through the BBM parametric formula, I cannot find evidence that will directly link the President for having committed an impeachable offense,”ani Domogan.
Nilinaw ni Domogan na kinokondena nya ang korupsyon subalit ang tungkulin ng komite ay iderminina kung ang reklamo ay maaaring ituloy sa trial ngunit sa kanyang pagtanya ay hindi ito sapat.
Gayundin ang posisyon ni House Committee on Justice Vice Chairman Alfredo Garbin, aniya, pagpuna lamang sa patakaran ang nilalaman ng ikalawang impeachment complaint laban kay Pangulong Marcos at hindi ito pasok bilang impeachable offense.
“So my take on this, Madam Chair, is that this pleads a policy critique. It does not plead an impeachable offense nor a willful constitutional breach,” pahayag ni Garbin sa ikatlong araw ng pagdinig ng House Committee on Justice kung saan tinatalakay ang reklamo na inihain ni dating Gabriela Partylist Rep Liza Maza.
Sa kanyang manifestation sa House Committee on Justice, iginiit ni Garbin na ang paggamit ng isang planning allocation formula sa infrastructure programming ay hindi ilegal sa mukha nito at bahagi ng normal na proseso ng pagbibigay-prayoridad sa pambansang budget.
Ayon kay Garbin, ang pagbanggit sa “priorities of leaders” ay hindi awtomatikong patunay ng katiwalian.
Binigyang-diin din ng mambabatas na walang naipakitang “ultimate facts” sa reklamo na magpapatunay na ang Pangulo ay nag-utos, nag-alok, o gumamit ng naturang formula para sa isang tiwaling gawain. Aniya, ang mga paratang ay nakabatay lamang sa mga argumento at hindi sa kongkretong ebidensya.
“Sa kabuuan, ito ay isang policy critique at hindi isang malinaw na alegasyon ng impeachable offense o willful violation of the Constitution,” pagtatapos ni Garbin. Gail Mendoza