Home NATIONWIDE Rehabilitasyon ng Iloilo Int’l Airport, 60% nang kumpleto

Rehabilitasyon ng Iloilo Int’l Airport, 60% nang kumpleto

184
0

MANILA, Philippines – Nasa 60% nang kumpleto ang rehabilitasyon ng Iloilo International Airport at inaasahang matatapos sa ikalawang quarter ng taon, ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) nitong Miyerkules, Pebrero 4.

“Yes po, sir, tama po iyan. We are happy to announce po na 60% complete na po ang rehabilitation ng Iloilo International Airport,” sinabi CAAP public information officer Bea Bernardo sa “Bagong Pilipinas Ngayon.”

“Ilan nga po sa natapos na project natin diyan ay iyong installation ng apat na escalator, paglalagay ng flight information display system, iyong mga repairs po ng baggage handling system natin ay tapos na din po and then nag-add din po tayo ng mga bagong gang chairs at mga trolleys,” dagdag pa niya.

Kasunod ng rehabilitasyon, sinabi ng CAAP na magsisimula naman ito sa expansion ng passenger terminal building ng paliparan para tumanggap ng mas marami pang pasahero.

“Ang rehabilitation po sa Iloilo airport ay inaasahang matatapos po sa second quarter po ng taon. After po nito ay sisimulan na po natin agad iyong expansion ng passenger terminal building po natin. Target pong magsimula sa second quarter din po ng taon at matatapos po hopefully next year,” ayon kay Bernardo.

“Once na natapos po iyong passenger terminal building expansion natin inaasahan po na mas dadami pa iyong seating capacity ng airport – for domestic po magiging 10,000 na iyong seating capacity; for international flights naman po ay magiging 500 na po iyong seating capacity nito.”

Samantala, sinabi ng CAAP na naglaan na rin ito ng budget para sa transmission lines ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na nakakaharang sa runway ng Bicol International Airport.

“Para po sa taong 2026 ang allocated budget po na nakalaan sa project po na iyan ay 150 million galing po sa CAAP at 150 million din naman po galing sa DOTr,” ani Bernardo.

“Ang obstruction po kasi doon ay nasa end po ng runway kaya po gagamitin po natin iyong budget to lower iyong transmission lines at lahat po ng kakailanganin dito po,” dagdag pa niya. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here