MANILA, Philippines – Inaasahan ng Commission on Elections (Comelec) ang lima hanggang anim na kandidato na maghahain ng kanilang certificate of candidacy para sa March 14 special elections sa ikalawang distrito ng Antipolo City.
Ang pahayag ni Comelec Chairman Erwin George Garcia ay kasabay ng unang araw ng paghahain ng COC para sa pagbubukas ng special elections.
Tatakbo ang COC filing mula Huwebes, Pebrero 5 Hhnggang Sabado, Pebrero 7 mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.
Maaaring maghain ng kanilang COC ang mga aplikante sa Office of the Election Officer ng Antipolo City.
Ang pagsasagawa ng special elections sa nasabing distrito ng Antipolo City upang punan ang nabakanteng pwesto ng yumaong si Representative Romeo Acop noong Disyembre. Jocelyn Tabangcura-Domenden