Home NATIONWIDE Rider, utas sa suwag ng SUV

Rider, utas sa suwag ng SUV

162
0

PANGASINAN-Hindi nagawang makaligtas sa kalawit ni Kamatayan ang isang 48-anyos na lalaki matapos mabangga ng SUV ang minamaneho nitong motorsiklo sa provincial road sa Brgy. Zone II, sa bayan ng Rosales ng lalawigang ito kagabi, Pebrero 4.

Ayon sa pulisya, dead on arrival sa ospital ang driver ng Honda Click 125 na residente ng Balungao, Pangasinan.

Hindi naman nasaktan ang 67-anyos na lalaking driver ng Toyota Fortuner at ang 45-anyos na babaeng kasama nito na kapwa residente ng Gamu, Isabela.

Ang motorsiklo ay tumatawid sa intersection galing kanluran papuntang silangan nang mabangga ng Toyota Fortuner na bumibiyahe papuntang hilaga.

Dahil dito, tumilapon ang driver ng motorsiklo at nagtamo ng serious injuries. Rolando S. Gamoso

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here